------------------------------------------------------------------------------------------------
Tumatanda ka na, tol.
Nasa Friday Magic Madness na yung mga
paborito mong kanta.
Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin
C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Ngayon,
nagkukumpulan na lang kayo ng mga
kasama mo sa Starbucks at order ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang
dating masasayang tawanan ng
barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo
tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka. Ang
lagi mo na lang kausap ngayon
e ang kaopisina mong hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag
nakatalikod ka. Ang hirap nang
magtiwala.
Dati halos mamilipit ka sa upuan tuwing
nakikita mo crush mo. Lalo na
kung kissable lips at nakakatunaw ang
katawan. Ilang beses ka nang
sinita ng professor mo, pero tuloy ka
pa
rin sa hallucination mong
kinakausap ka ng crush mo. Pero ngayon
galit ka na sa kanila.
Feeling mo lahat sila manloloko.
Feeling mo wala sa kanilang
seseryoso sayo. Gusto mo na lang ng
anak ayaw mo na ng asawa.
Mahirap nang makahanap ng totoong
kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw
sa
opisina (Not all the time,
pero kadalasan). Kung
sabagay,nagkakilala lang kayo dahil
gusto
ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang "corporate
ladder". Anumang pagkakaibigang
umusbong
galing sa pera at ambisyon ay
hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera
din at ambisyon ang sisira sa
inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay
mo. Alipin ka na ng Meralco,
PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong
instant pancit canton..
Ngayon,dapat may kasamang italian
chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag
nakakapag-ober-da-bakod kayo para
makapagswimming.
Ngayon,ayaw mong lumangoy kung hindi
Boracay o Puerto Galera ang
lugar. Nasa bakasyon ka pa lang,
iniisip
mo na na next time out of the
country naman: Thailand, tapos around
the Europe tapos Mediterranean
Cruise!
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin
pomelo. Ngayon,pagkatapos ng
ilang bote ng red wine, maghahanap ka
ng
San Mig Light o Vodka
Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang
lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong
bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin
makuntento.
Ang problema kasi sayo,
nakikipagsabayan
ka sa ibang tao. Feeling mo
dahil lang na-achieve na nila ang isang
bagay, kailangan ikaw din.
Masyado ka kasing insecure. Naiinggit
ka sa kanila. Gusto mong maging
katulad ng kuya mo, gusto mong
makipagsabayan sa kaibigan mo.
Nabubulag ka sa ilusyon na pinapakita
nila. Bakit? Sigurado ka ba
talagang mas masarap ang buhay nila?
Baka nga mas masaya ka pa e.
Saan ka ba papunta? Tol, gumising ka.
Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para maging isa lang sa mga baterya ng
mga machines sa Matrix. Hanapin
mo ang dahilan kung bakit nilagay ka
rito. Kung ang buhay mo ngayon ay
uulit-ulit lang hanggang maging
singkwenta anyos ka na,magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula. Sa
totoo lang madali lang namang
lumigaya sa mundong ito. Ikaw lang ang
nagpapakomplikado - ang dami
mo kasing gusto. Tigilan mo na yang mga
reklamo mo.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo...
Nasa Friday Magic Madness na yung mga
paborito mong kanta.
Parang botika na ang cabinet mo. May
multivitamins, vitamin E, vitamin
C, royal jelly, tsaka ginko biloba.
Dati, laging may inuman. Ngayon,
nagkukumpulan na lang kayo ng mga
kasama mo sa Starbucks at order ng tea.
Wala na ang mga kaibigan mo noon. Ang
dating masasayang tawanan ng
barkada sa canteen, napalitan na ng
walang katapusang pagrereklamo
tungkol sa kumpanya ninyo. Wala na ang
best friend mo na lagi mong
pinupuntahan kapag may problema ka. Ang
lagi mo na lang kausap ngayon
e ang kaopisina mong hindi ka sigurado
kung binebenta ka sa iba pag
nakatalikod ka. Ang hirap nang
magtiwala.
Dati halos mamilipit ka sa upuan tuwing
nakikita mo crush mo. Lalo na
kung kissable lips at nakakatunaw ang
katawan. Ilang beses ka nang
sinita ng professor mo, pero tuloy ka
pa
rin sa hallucination mong
kinakausap ka ng crush mo. Pero ngayon
galit ka na sa kanila.
Feeling mo lahat sila manloloko.
Feeling mo wala sa kanilang
seseryoso sayo. Gusto mo na lang ng
anak ayaw mo na ng asawa.
Mahirap nang makahanap ng totoong
kaibigan. Hindi mo kayang
pagkatiwalaan ang kasama mo araw-araw
sa
opisina (Not all the time,
pero kadalasan). Kung
sabagay,nagkakilala lang kayo dahil
gusto
ninyong kumita ng pera at umakyat sa
tinatawag nilang "corporate
ladder". Anumang pagkakaibigang
umusbong
galing sa pera at ambisyon ay
hindi talaga totoong pagkakaibigan.
Pera
din at ambisyon ang sisira sa
inyong dalawa.
Pera. Pera na ang nagpapatakbo ng buhay
mo. Alipin ka na ng Meralco,
PLDT, SkyCable, Globe,Smart, at Sun.
Alipin ka ng Midnight Madness.
Alipin ka ng tollgate sa expressway.
Alipin ka ng credit card mo.
Alipin ka ng ATM. Alipin ka ng BIR.
Dati-rati masaya ka na sa isang platong
instant pancit canton..
Ngayon,dapat may kasamang italian
chicken ang fettucine alfredo mo.
Masaya ka na noon pag
nakakapag-ober-da-bakod kayo para
makapagswimming.
Ngayon,ayaw mong lumangoy kung hindi
Boracay o Puerto Galera ang
lugar. Nasa bakasyon ka pa lang,
iniisip
mo na na next time out of the
country naman: Thailand, tapos around
the Europe tapos Mediterranean
Cruise!
Dati, sulit na sulit na sa yo ang gin
pomelo. Ngayon,pagkatapos ng
ilang bote ng red wine, maghahanap ka
ng
San Mig Light o Vodka
Cruiser.
Wala ka nang magawa. Sumasabay ang
lifestyle mo sa income mo.
Nagtataka ka kung bakit hindi ka pa rin
nakakaipon kahit tumataas ang
sweldo mo. Yung mga bagay na gusto mong
bilhin dati na sinasabi mong
hindi mo kailangan, abot-kamay mo na.
Pero kahit nasa iyo na ang mga
gusto mong bilhin, hindi ka pa rin
makuntento.
Ang problema kasi sayo,
nakikipagsabayan
ka sa ibang tao. Feeling mo
dahil lang na-achieve na nila ang isang
bagay, kailangan ikaw din.
Masyado ka kasing insecure. Naiinggit
ka sa kanila. Gusto mong maging
katulad ng kuya mo, gusto mong
makipagsabayan sa kaibigan mo.
Nabubulag ka sa ilusyon na pinapakita
nila. Bakit? Sigurado ka ba
talagang mas masarap ang buhay nila?
Baka nga mas masaya ka pa e.
Saan ka ba papunta? Tol, gumising ka.
Hindi ka nabuhay sa mundong ito
para maging isa lang sa mga baterya ng
mga machines sa Matrix. Hanapin
mo ang dahilan kung bakit nilagay ka
rito. Kung ang buhay mo ngayon ay
uulit-ulit lang hanggang maging
singkwenta anyos ka na,magsisisi ka.
Lumingon ka kung paano ka nagsimula. Sa
totoo lang madali lang namang
lumigaya sa mundong ito. Ikaw lang ang
nagpapakomplikado - ang dami
mo kasing gusto. Tigilan mo na yang mga
reklamo mo.
Ikaw ang nagbago, hindi ang mundo...
No comments:
Post a Comment